Attention sa lahat ng Trainees ng PTC Calumpit/BMLTC, Staff at mga kababayang Bulakenyo
Sa gitna ng banta ng COVID-19, ang lahat ay pinag iingat at maging mapag matiyag sa pagkalat ng nasabing virus. Kaugnay nito, atin pong hihintayin ang OPISYAL na pahayag mula sa PUNONG LALAWIGAN NG BULACAN o PAMAHALAANG BAYAN NG CALUMPIT ukol sa pag papatuloy ng ating Training. Pinapaalalahan din ang lahat na sumubaybay sa mga lehitimong sources lamang kagaya ng website o opisyal na Facebook page ng Department of Health , Telebisyon , Radyo o maging sa mga announcements ng rural health unit ng ating mga baranggay patungkol sa kalalagayan ng ating komunidad.
Ayon sa mga nakaraang announcement at kanselasyon ng mga klase, ang lahat ay pinapayuhan na umiwas sa mga mataong lugar o social gatherings upang makaiwas sa COVID-19 at panatilihin ang kalinisan sa katawan. Kung hindi kilala o hindi sigurado bigyan ang sarili ng distansya sa pakikipag usap sa ibang tao na siyang itinuturong mabilis na transmission o ang “Close Contact”. Manatili na lamang sa ating mga tahanan kung walang importanteng lakad, Maging mapanuri din laban sa “fake news” sa mga impormasyon at babasahin na ating makikita sa ating mga social media accounts gaya ng Facebook, Instagram, Twitter etc.
Keep safe everyone.